Friday, December 29, 2017

Examples of lesson plans used (detailed, semi-detailed, brief)

Reflection

The following are the lesson plans that I used during my practice teaching . Some of it are bit idealistic and it takes two to three days to achieved the goals. But I decided to include it to my portfolio. Because I know that my students enjoyed doing the activities. And I learned how to measure and plan my lesson that is appropriate to the time intended for the lesson. Lastly, it is the sign of my development as a future teacher.
********************************************


STA. MONICA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu sa Ikasampu na Baitang
Setyembre 13-14, 2017
         I.  Layunin
                 Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
  1. Nailalahad ang mga mabuti at hindi mabuting dulot ng gloalisasyon;
  2. Napahahalagahan ang ugnayan ng mga anyo ng globalisasyon; at
  3. Nakakaguhit ng representasyon ng mga implikasyon ng globalisasyon at solusyon sa pagharap ng hamon nito.

II.                Paksang Aralin
         A.  Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
         B.   Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu: Hamon at Pagtugon (Pahina 178 - 181)
         C.  Mga Kagamitan: Mga tulong biswal, pisara, eraser at yeso.
                                  
III.              Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng Lumiban
5. Pagbabalik – aral

B. Paglinang sa Gawain
1. Paggaganyak
        Ang guro ay magpapakita ng larawan na patungkol sa pagharap sa hamon ng globalisasyon.


 a. Ano ang ipinakikita sa larawan?
 b. Ano ang masama at mabuting epekto ng globalisasyon?

2. Paglalahad
 1. Ano ang mga paraan upang maharap ang mga hamon ng globalisasyon?
  1. Guarded Globalization
  2. Fair Trade
  3. Pagtulong sa Bottom Billion
2. Ano ang Guarded Globalization?
3. Ano ang Fair Trade? 
4. Ano ang Bottom Billion?
5. Bakit kailangang tulungan ang Bottom Billion?

C. Paglalahat
1. Bakit kailangang harapin ang mga hamon ng globalisasyon?
2.Gaano kahalagang malaman mo ang mga mabuti at hindi mabuting dulot ng gloalisasyon?
3. Bakit kailangang tulungan ang mga mahihirap na bansa na tinatawag na bottom billion?

  1. Paglalapat  
Pangkatang Gawain: Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa lima. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng sapat na oras upang magawa ang poster na may temang “Globalisasyon:  Implikasyon at solusyon sa pagharap sa hamon ng pag-unlad.”

GRASPS para sa Poster Making
Goal: Makagawa ng poster na nagpapakita ng temang “Globalisasyon:  Implikasyon at solusyon sa pagharap sa hamon ng pag-unlad.”
Role: Mga mag-aaral na naglalayong ipakita at ibahagi ang kanilang kaalaman ukol sa globalisasyon.
Audience: Mga kamag-aral.
Situation: Marami sa mga kapwa kamag-aaral ay walang ideya tungkol sa globalisasyon. Bilang mahuhusay na mag-aaral ay ibabahagi ninyo nang inyong kaalaman tungkol rito.
Product/Process: Sa pamamagitan ng isang poster.
Standards:
Koneksyon sa Tema – 35%        
Pagkamalikhain – 35%
Pakikibahagi ng mga miyembro – 30%
Kabuuan -100%

IV.             Pagtataya
Tukuyin ang mga sumusunod at isulat ang kasagutan sa patlang.
Guarded Globalization 1. Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
Guarded Globalization 2. Tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan.

Fair Trade 3. Pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho sa kababaihan at mga bata at paggawa ng mga produktong ligtas sa lahat.

Bottom Billion 4. Tulong-pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa.

Fair Trade 5.  Nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig

V.                Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod.            
  1. Ano ang lakas paggawa? 
  2. Ano ang mga isyu sa paggawa?
  3. Ano ang kaugnayan ng globalisasyon sa mga isyu  sa paggawa?                              

Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu: Hamon at Pagtugon  Pahina 187-189 o Internet



Inihanda ni:
Mark Simon B. Catajan
AP Student Teacher

                                                                                        
Iniwasto at Sinang-ayunan ni:
Arlene C. Magtira
Cooperating Teacher

















    ********************************************

 STA. MONICA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu sa Ikasampu na Baitang
Setyembre 26-27, 2017
         I.  Layunin
                 Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
  1. Natutukoy ang mga kasanayan at kakayahan na angkop sa globally standard na paggawa;
  2. Napahahalagahan ang mga naitutulong ng iba’t ibang sektor sa paggawa;
  3. Nasusuri ang apat na haligi para sa isang disente at marangal na paggawa; at
  4. Nakakabuo ng isang ulat tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor.

II.                Paksang Aralin  
        A.    Paksa: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
        B.     Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu: Hamon at Pagtugon (Pahina 189 - 196)
        C.    Mga Kagamitan: Mga tulong biswal, pisara, eraser at yeso.
                                  
III.              Pamamaraan
A.    Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng Lumiban
5. Pagbabalik – aral

B.     Paglinang sa Gawain
1. Paggaganyak
        Ang guro ay

2. Paglalahad
 1. Ano-ano mga isyu sa paggawa na dulot ng globalisasyon?
Ø  Mababang pasahod
Ø  Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
Ø  Job-mismatch bunga ng mga job-skills mismatch
Ø  Kontraktuwalisasyon sa paggawa
Ø  Mura at flexible labor
Ø  Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
Ø  demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard
2. Ano ang mga kasanayan at kakayahan na angkop sa ika-21 siglo?
ü  Media and Technology Skills
ü  Learning and Innovation Skills
ü  Communication Skills
ü  Life and Career Skills
3. Ano ang ang apat na haligi para sa isang disente at marangal na paggawa?
1.      Employment Pillar
2.      Worker’s Rights Pillar
3.      Social Protection Pillar
4.      Social Dialogue Pillar

     C.   Paglalahat
1. Paano nakakaapekto  ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng mga manggagawa sa kasalukuyan?

D.    Paglalapat  
Pangkatang Gawain: Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa tatlo. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng malayang talakayan hinggil sa mga nakapaloob na isyu sa mga sektor ng mga manggagawa at kanilang kalagayan. Ito ay tatagal lamang ng lima hanggang walong minuto.

Pangkat 1: Sektor ng Agrikultura (News Report)
Pangkat 2: Sektor ng Industriya (Press Conference)
Pangkat 3: Sektor ng Serbisyo {Panel Discussion)

Pamantayan
Daloy ng– 35%                           
Pagkamalikhain – 35%
Pakikibahagi ng mga miyembro – 30%
Kabuuan -100%

IV.             Pagtataya
A.    Ibigay ang apat na kasanayan na angkop sa ika-21 siglo?
1.      Media and Technology Skills
2.      Learning and Innovation Skills
3.      Communication Skills
4.      Life and Career Skills

B.     Sagutin ang mga sumusunod. (2 Puntos)       
5-6  Bakit mahalaga ang iba’t ibang sector sa paggawa?
7-8 Bakit mahalagang taglay mo ang mga kasanayan na angkop sa ika-21 siglo?
9-10 Bakit kailangang pahalagahan ang apat na haligi ng disente at marangal na paggawa?

V.                Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod.            
  1. Ano ang Iskemang Subcontracting? 
  2. Ano ang dalawang anyo ng subcontracting?
  3. Ano ang  pinagkaiba ng underemployment at unemployment?                                 

Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu: Hamon at Pagtugon  Pahina 196 -204 o Internet

Inihanda ni:
Mark Simon B. Catajan
AP Student Teacher

                                                                                        
Iniwasto at Sinang-ayunan ni:
Arlene C. Magtira
Cooperating Teacher









********************************************

STA. MONICA NATIONAL HIGH SCHOOL
                                               Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu sa Ikasampu na Baitang
Nobyembre 8-10, 2017
         I.  Layunin
                 Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
  1. Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex;
  2. Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at sex; at
  3. Nakakagawa ng sariling manipestasyon ng kasarian upang maipahayag ang kanilang sarili.

II.                Paksang Aralin
A.    Paksa: Konsepto ng Kasarian
B.     Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu: Hamon at Pagtugon (Pahina 262 - 265) at Mga Kontemporaryong Isyu ni Jens Micah De Guzman. 388 Mc Arthur Highway, Dalandanan, Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc., 2017. (Pahina 188-189)
C.    Mga Kagamitan: Mga tulong biswal, itlog, pisara, eraser at yeso.

III.              Pamamaraan
A.    Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng Lumiban
5. Pagbabalik – aral

B.     Paglinang sa Gawain
1. Paggaganyak
        Ang guro ay magpapakita ng isang itlog at ikokonekta ang kanyang dalang itlog sa bagon aralin.


1. Bakit ako may dalang itlog at ano ang kinalaman  ng itlog sa ating aralin?
2.  Naniniwala kaba na ikaw ay galking sa itlog?
3. Naniniwala kaba na ang tgao ay may itlog, kun g naniniwala ka anong klaseng itlog?

2. Paglalahad
 1. Ano ang pagkakaiba ng sex at gender?
             Ayon sa World Health Organization (2014), ang SEX ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang GENDER naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)
Ø  Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla.
Ø  Ang mga lalaki ay may testicle (bayag).
Katangian ng Gender (Characteristics of Gender)
Ø  Nakabase sa gender roles at kultura.


2. Ano ang pinagkaiba ng Sexual Orientation at Gender Identity o ang SOGI?
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na   atraksiyong   apeksyonal,   emosyonal,   sekswal;   at   ng   malalim   na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa  kanya, o kasariang higit sa isa. Samantalang  ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex  niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.


3. Isa-isahin ang uri ng sekswalidad.
A.    Heterosexuality/ Heterosexual -  sexual attraction sa opposite sex. Hal. Babae sa Lalaki.
B.     Homosexuality/ Homosexual - sexual attraction sa same sex. Hal. Babae sa babae at Lalaki sa lalaki.
C.     Bisexuality/ Bisexual - Naaakit sa babae at lalaki.
D.    Asexuality/Asexual - mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian. (Sexually Inactive).

4. Ano ang ibig sabihin ng LGBTQ?
Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae  (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy).
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan
Queer o Questioning - mga taong hindi pa tiyak ang seksuwalidad.

     C.   Paglalahat
1. Ano ang dati mong iniisip tungkol sa mga konsepto ng kasarian tulad ng sex at gender?
2. Naging maliwanag ba sayo ang kaibahan ng sex at gender?
3. Paano nakakaapekto  ang lipunan sa paghubog ng pagkakailanlan ng isang tao?
4. Sa iyong palagay, dapat bang husgahan ang isang tao ng dahil sa kanyang sekswalidad?

D.    Paglalapat  
A.    Paano Nagkaiba?: Ilista ang pagkakaiba ng sex at gender sa mga kahon sa ibaba.
SEX
GENDER
Ø  tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Ø  Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla.
Ø  Ang mga lalaki ay may testicle (bayag).

Ø  tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Ø  Nakabase sa gender roles at kultura.

B.     Gender at Sex: Ano nga Ba?: Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex mula sa mga natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap sa ibaba.

Mula sa araling ito, natutunan ko na ang sex ay ______________________
_______________________________________________________________________________________________samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa_____________________________________________________________________.
Natutunan ko rin na ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay naiiba sa pagkakakilanlang pangkasarian. Ang oryentasyong seksuwal ay _____________________________________________________________________________________________samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (genderidentity) ay ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

IV.             Pagtataya
A.    Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag at isulat sa patlang bago ang numero ang kasagutan.
Sex 1. Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Asexuality/Asexual 2. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.
Gender 3. Tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

Heterosexuality/ Heterosexual 4. sexual attraction sa opposite sex. Hal. Babae sa Lalaki.

Bisexual 5. mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
Homosexuality/ Homosexual 6. sexual attraction sa same sex. Hal. Babae sa babae at Lalaki sa lalaki.
Transgender 7. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan.
Gay (bakla) 8. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
Queer o Questioning 9. Mga taong hindi pa tiyak ang seksuwalidad.
Oryentasyong Seksuwal (Sexual Orientation) 10. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na   atraksiyong   apeksyonal,   emosyonal,   sekswal;   at   ng   malalim   na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa  kanya, o kasariang higit sa isa.

V.                Takdang Aralin
Gamit ang isang itlog lagyan ito ng desenyo na nagpapakita ng inyong sarili o personalidad at iguhit ang inyong gender symbol sa itlog.

Inihanda ni:
Mark Simon B. Catajan
AP Student Teacher

                                                                                        
Iniwasto at Sinang-ayunan ni:
Arlene C. Magtira
Cooperating Teacher


















































********************************************




No comments:

Post a Comment

Table of Contents

Table of Contents 1.       Title Page   http://marksimoncatajanpracticeteaching.blogspot.com/2017/11/ 2.       Table of Contents ht...